PAGKAUWI sa kanilang bahay ay masayang sinalubong sila ng kanilang mga anak. Habang ang Mommy Alexa at Mama Clarita nila ay masayang nakatingin sa kanilang mga apo. "Salamat, mama at mommy sa pagbabantay sa mga bata," nakangiting pasasalamat sa mga magulang nila. "Wala iyon, wala naman kaming ginagawa. Kumusta naman ang mga trabaho ninyong dalawa?" usisa pa ng Mommy Alexa nila sa kanila. "Ayos naman, mom," agad na sagot ni Calix sa kanyang ina. "Ayos lang din, mommy," segunda naman ni Samantha na nakatingin sa asawa. "Mainam kung ganoon, masaya akong nakikita kayong kahit papaano ay pinipilit buuin ang pamilya niyo," nakangiting saad nito. Muli ay napatingin si Samantha sa asawa nang magtama ang kanilang paningin dahil nakatingin din pala ito sa kanya. Isang nahihiyang ngiti ang bini