Matapos magluto si Samantha ng kanilang hapunan ay bumalik siya sa silid. Nakitang tuluyang naidlip ang asawa sa tabi ng anak kaya ipinasya niyang maligo muna dahil maaga pa naman para sa isang hapunan. Mabilis na tinungo ang banyo at doon ay muling naalala ang naging usapan nila ni Evangeline Saldevar. Naku-curious tuloy siya kung ano ang hitsura ng babae, hindi niya inaasahang sa dami nang pinagdaanan nila ni Calix ay sa iba pa rin ito magsasabi ng problema nila. Alam niyang sa puntong iyon ay siya ang nagkamali, siya ang may kasalanan pero hindi niya inaasahan na muli nitong uulitin ang mga nakaraan. Tila gustong tumulo ang mga luha sa mga mata ngunit ngayon pa ba siya iiyak? Mahal niya ang mga bata at ayaw niyang mawala ang mga ito, kaya mabilis na inayos ang sarili saka lumabas ng