May pagdududa man sa sinabi ni Samantha ay sumunod na lamang si Calix sa playroom ng mga anak. Nakita niyang masayang binuhat ni Samantha ang anak samantalang pinapatigil naman ng mga yaya sina Caleb at Claudine na panay pa rin ang pindot sa kanilang video games controller. "Hey, guys, that's enough, we have to have our dinner then after, we go straight to your bed," saway ni Calix sa mga anak na noon ay mabilis na binitawan ang mga hawak na controller. Naiiling na lamang siya sa mga anak at nang mabaling kay Samantha ang tingin ay nakitang nakatitig ito sa kanya hanggang sa makitang sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Hindi mapigilan ni Samantha ang mapangiti nang makitang tumalima ang mga anak sa sinabi ng daddy nila. Kanina pa kasi sinusuway ng mga yaya ng mga ito at sinabing