Bigla ay nalito si Samantha nang mabaling ang tingin niya at nasumpungan ang pares nang matang nakatingin siya kaniya. Hindi siya maaaring magkamali, si Calix iyon. "Are you okay?" tanong ni Clint sa kaniya sabay gagap sa kaniyang palad. Mabilis na binawi ang mga tingin kay Calix saka binalik kay Clint. "Yes, may nakita lang akong inakala ko ay kakilala ko pero hindi pala," kaila niya sa lalaki. Ayaw niyang malaman nito na ang asawa ay naroroon sa lugar kung nasaan sila. Kaibigan ni Anne ang nakakabatang kapatid ni Clint na may anak sa batang lalaking hawak nito sa birthday party ng anak nila Anne at Gian. Hindi naman niya inakalang magkakaroon ito ng interest sa kaniya. Nalaman niya kay Anne na kinukulit daw siya ng kapatid nito na alamin kung single daw ba siya. Kaya ito na mismo ang