Chapter 82: Torn Between Two Lovers

1988 Words

Mula nang umalis sila Gian at Calix kasama ang lalaking bagong dating kanina ay hindi na nakita pa ang asawa. Nakita si Gian pero hindi si Calix, marahil ay umuwi na ito o inuwi ng lalaking dumating. Gusto niyang manlumo kahit papaano na hindi man lang ito nakitaan ng anumang reaksyon sa pagkakaroon niya ng ka-date. Parang tuluyan na siya nitong kinalimutan dahil kay Michelle. Nangingilid tuloy ang luha sa mga mata dahilan upang maagap iyong pinahid. Kahit papaano naman ay masayang kasama si Clint. Very articulate ito pagdating sa mga bagay-bagay kaya natutuon dito ang atensyon kaysa magmukmok. Nang sipatin ang relong pambisig ay alas onse na pala bagay na napansin ni Clint. "Sorry, I forget na may Caleb ka nga pala. Dapat pala ay kanina pa kita hinatid pauwi," hingi nito ng pasensiya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD