Pagkalas niya kay Calix ay pinaskil ang pinakamagandang ngiti. Mas lalong nilambingan ang kaniyang pananalita dahil gusto niyang mawala ang inis nito. "Sorry, babe kung nagiging makulit ako lately. Hindi ko na uulitin, pasensiya na rin kung pinadaan pa kita sa paborito kung sushi bar kahit alam kong pagod ka sa trabaho. Siguro nga ay mas mainam na na ako na lang ang pumunta tutal ay sabi naman ng doktor na pwede pa rin akong magmaneho," saad pa upang makita ang magiging reaksyon ni Calix. Nang makita itong napakunot-noo sa sinabi na tila ba hindi ito sang-ayon sa sinabi ay mas lalo siyang palihim na napangiti. "It's okay, babe. Pasensiya ka na kung medyo hindi maganda ang mood ko," agad na hingi ni Calix ng dispensa. "Marami lang talagang trabaho kanina sa laboratory," kaila rito sa tuna