Pagdating sa kaniyang opisina ay hindi pa rin humuhupa ang inis ni Calix. Aminin man o hindi pero talagang nagseselos siya sa nasaksihan kanina. Parang gustong sugurin kanina ang lalaking iyon kung hindi lang pinigilan ang sarili. "Hey, aren't you coming? Nasa conference na ang team?" tinig buhat sa kaniyang pintuhan at doon ay nakita si Rachel na bakas sa mukha ang pagtataka. "Sorry, I'm a little bit late," agad na turan. "You know, na hindi iyan ang itatanong ko. Bakit ganiyan ang mukha mo?" gagad nito. Napaupo sapo siya ng ulo sa tanong nito. "Give me a bit to breath. Naiinis lamang ako sa sarili ko, kay Sam, I don't know!" naguguluhang turan na mas lalong kinamaang ni Rachel. Nakitang lumakad ito papalapit sa kaniyang harapan. "Okay, fine! I understand your feeling but can you exp