Sapo pa rin ang mukha nang agawin siya ng tunog ng cellphone. Mabilis na kinuha iyon bago pa nito magising si Baby Camella. "Hello?" "Thanks God, gising ka pa," gilalas ng boses ng kaibigang si Anne. "Oh, bakit ka napatawag?" aniya rito. "Can you check kung naiwan ko diyan iyong pouch ko! Grabe, nagiging makakalimutin na talaga ako. Ang kukulit kasi mga anak ko!" bulalas nito. Napatawa siya sa kaibigan. Sabagay, kahit na sino ay makakalimutan talaga ang lahat sa tatlong anak nito. "Don't worry, nandito siya. Naiwan mo siya sa couch kanina noong gumamit ka ng banyo," aniya rito at doon ay napabulalas ito. "Yes, naalala ko na. Pati iyon nakalimutan ko talaga!" gilalas nito na kinatawa niya. "Sige na, baka nakakaisturbo na ako," anito at akmang magpapaalam na sana nang tawagin ito. "Ann