Naging masaya ang pagdiriwang ng kaniyang ika-tatlumpong kaarawan. Hindi man sila masyadong nagpapansinan ni Calix pero hindi niya iyon ramdam dahil sa atensyong binibigay ng lahat ng naroroon. "You know what, maganda siguro kung minsan ay magpunta rin tayo sa resorts upang mag-relax," suwesyon ng kaniyang Mommy Alexa habang masaya silang nag-usap at pinagsasaluhan ang pinahanda ng asawa sa para sa kaniya. "Wow! Agree ako diyan, Tita!" mabilis na sabad ni Anne na game na game. "Pero mukhang hindi masyado itong katabi ko kasi parang drum ang tiyan," anito tukoy kay Nathalie. Napangiti siya dahil hindi inaasahan na ganoon ito kabilis mabubuntis. "Naghabol talaga kami! Mahirap na kapag nag-expire ang matris ko!" anito dahil mas nauna ito sa kaniya ng tatlong taon. Kaya parang nakakatandang