Napakabilis ng mga pangyayari, tila isang kidlat na bumago sa kanilang mga buhay. Bilang isang pangako sa taong mamamatay na ay ginawa naman niya. It wasn't easy but she did her part. Ngayon ay nagsasama sila ni Calix sa iisang bubong bilang mag-asawa. Maayos at masaya sa paningin ng iba para ipakita sa korte na may maganda itong pamilya at buo, na handang kupkupin si Claudine. Ito iyong imahe na nakikita ng iba pero sa pagitan nila, there is that wall. "Masaya ka ba?" mayamaya ay rinig buhat sa kung saan. Katatapos niya lang patulugin si baby Camella, ang anak nito kay Michelle. Isang buwan na rin pala mula nang bawiin ito ng buhay at marinig ang pag-iyak ng sanggol. Hindi niya maiwasang alalahanin ang lahat ng mga nangyari, ang batang ito ay buhay na patunay ng kataksilan ng asawa p