Walang pagsidlan ang saya ni Samantha nang sandaling iyon, sa dalawang beses na kasal nila ni Calix ay hindi nila nagawang mag-honeymoon. Natatawa lamang siya dahil ngayon pang buntis siya sa ikalawang anak nila. "Don't worry about the kids, just enjoy yourself. Nandito naman sina Tito at Tita, try naming makapunta rito for a playdate, para naman ma-enjoy niyo ang 2 weeks trip niyo sa Europe," masayang turan ni Anne sa kanila na noon ay maayos na rin. Nag-sorry na si Gian dito at sinabing masyado lang siyang nabigla sa panibagong responsibilidad. "Thank you, so, ayos naman na ba kayo nitong si Gian?" untag sa mga ito. "Oo, ayos na kami. Sabi ko nga, ngayon pa ba siya magkakaganoon na magiging apat ang anak namin. Kung marunong siyang mag-araro at magpunla ay dapat tanggapin niyang magbu