Naging abalang muli si Samantha sa trabaho sa mga sumunod na araw. Ramdam niya ang panlalamig ng asawa sa kanya kaya muli siyang nabahala sa mga inaasal nito, lalo pa at panay ang labas nito. Palaging sinasabi na pupunta lamang ito sa resto-bar nila ng kaibigang si Gian pero habang tumatagal ay muling nabubuhay ang hinala sa kanyang isipan. "Mama, pakibantayan na muna ang mga bata," mabilis na paalam sa ina na noon ay nasa kanilang bahay upang dalawin ang mga apo nito. "Akala ko ba'y wala kang gagawin ngayon?" maang na turan ng ina. Nabanggit kasi niyang wala siyang gagawin sa araw na iyon kaya sinabihan pa ang mga batang magpi-picnic sila sa park malapit sa kanilang subdibisyon. "Saglit lang ako, mama," mabilis na maalam rito sabay bigay sa kalong na si Baby Camella. May pagtataka ma