Panay ang dasal ni Calix habang hinihintay ang doktor na umasiste sa asawa noong pinasok nila sa emergency room. Paulit-ulit na naglakad, pabalik-balik. Patindi nang patindi ang kaba sa dibdib sa tuwing daraan ang minuto at nang pumatak ang oras ay mas lalong kinabahan. Mayamaya ay humahagos na dumating ang mga magulang nila. "Kumusta ang anak ko?" agad na tanong ng Mama Clarita niya na bakas ang pamumula ng mga mata nito. Hindi agad siya nakasagot nang leeg-an siya ng kaniyang Papa Samuel. "Kasalanan mo ang lahat ng ito!" gagad nitong usig sa kaniya. "Huminahon ka, Samuel," agap ng ama. "Nasasabi mo iyan, Cariaso dahil hindi ang anak mo ang nasa bingit ng kamatayan!" anito sa ama. "Kung alam ko lang na maghihirap ng ganito ang anak ko! Hindi ko na siya pinilit ipagkasundo," dagdag