Mabilis na nilahad ni Calix ang kamay sa harapan ni Samantha. Ilang sandali itong nakatingin roon, panay ang dasal na sana ay kunin nito ang palad ngunit ilang segundo na ang lumilipas pero tila walang pag-asang aabutin iyon. Unti-unti na ring napapalis ang ngiti sa labi niya gawa ng mga sumpang nanulas roon hanggang sa maramdaman ang pagdantay ng malambot nitong palad. Muling napaskil ang saya sa mga ngiti niya at lalong lumiwanag iyon dahil sa nakangiting mukha ni Samantha. Hindi na rin napigilan ni Samantha ang sarili. Mainam na sigurong pagbigyan ang mga sarili tutal ay wala naman nang sagabal pa. Ilang sandaling nagtalo ang isipan sa kung tatanggapin ba ang palad ni Calix o hindi pero nanaig ang bulong ng kaniyang puso. Ang pusong matagal na umaasa na sana ay mapagbigyan at papala