Hindi na napigilan pa ang mga damdamin. Kahit anong pigil ang gawin sa sarili ay nanlalambot pa rin si Samantha kapag kaharap na si Calix. Parang mawawala lahat ng pinaghirapan niyang plano dahil pinagkanulo na siya ng kaniyang damdamin. "Samantha, thank you," usal nito matapos bitawan ang kaniyang labi. Nakailang lunok si Samantha at hindi alam kung paano sasalubungin ang mga tingin ng asawa. "Thank you, saan?" kunwari ay tanong dito. "Sa pagkakataon na binigay mo. Hayaan mo hinding-hindi ko sasayangin," anang nitong nakangiti. Napangiti si Samantha sa kabila ng mga alalahanin sa isipan pero hindi na lamang sinatinig pa. At tinugon na lamang ng ngiti ang asawa. Mabilis na kinuha ni Calix ang wine at nagsalin sa kanilang mga kopita. "This is for my lovely wife," anito sabay abot sa k