Napabalikwas ng bangon si Samantha nang maalimpungatan. Nang makita ang asawang hubad at nakahiga sa tabi ay doon lang napagtantong totoo ang lahat ng nangyari sa kanila kagabi. Muling sinipat ang asawa at nakita ang guwapo nitong mukha. Hindi tuloy niya maiwasang pagmasdan ito at aralin ang bawat anggulo ng mukha nito. Napakaguwapo nito, ang prominenteng panga nito na mas lalong nagpapatingkad sa pagiging lalaki nito. Ang labi nitong kaysarap halik-halikan, ang ilong nitong tila nililok ng isang magaling na sculptor. Sakto ang laki at tangos na bumabagay sa malalim at abuhing mga mata nito na sinamahan ng may kakapalang kilay na mas lalong dumagdag sa masculinity ng mukha nito. Malinis ang pagkakaahit ng balbas at bigote nito bagay na gusto niya sa lalaki. Hindi rin naman masyadong mala