Pagal at hingal sila matapos nang isang mainit na sandali. Pansamantalang tumigil ang sinumang natawag sa kanila nang sa pagkakataong iyon ay ang cellphone naman ni Samantha ang tumunog. Nagkatinginan sila saka inabot iyon ni Calix dahil ito ang mas malapit kung saan nakalapag ang phone nito saka inabot sa asawa. "Hello?!" alanganing turan sa kung sinuman ang nasa kabilang linya. "Thank God, buti naman at sumagot ka? Hindi ko ba kasamang umuwi si Calix?" gagad na tinig ng Mommy Alexa niya. "Uhmmm! Bakit hindi siya nasagot? Ano naman kayang nangyari sa batang iyon?" dinig na tanong pa nito sa kawalan dahilan upang ibaling kay Calix ang tingin na noon ay nakatingin din sa kaniya. Nakita pa ang pagtatanong sa mata ng asawa kung sino ang nasa kabilang linya. "Mommy, bakit nga po pala kayo