Halos paliparin ni Calix ang kaniyang sasakyan makauwi lamang. Mas lalong dinamba ng takot ang dibdib nang makitang madilim na madilim ang buong kabahayan. Tila may mga pakpak ang mga paa na nag-uunahang pumasok sa loob ng bahay. Malinis na malinis iyon at walang palatandaang naroroon ang asawa pero umaasa siyang nasa silid nito. Patakbong inakyat ang kanilang hagdan at mabilis na tinungo ang silid ng asawa, ang silid na nakasaksi sa makailang ulit na pag-angkin dito. Isang katok ang ginawa ngunit walang tugon buhat dito kaya mabilis na pinihit ang seradura at tumambad ang madilim na silid. Kinapa ang switch ng ilaw at doon napatunayan na wala nga ang asawa. Muli ay dinaluyon ng takot ang dibdib. Takot na baka tuluyan na itong umalis. Mabilis na tinungo ang closet upang kumpirmahin ang