Isang nakakatulig na sampal ang pinalasap ni Samantha sa asawa. Gusto niyang iparadam dito kung gaano siya nasaktan sa ginawa nito. Nagawa pa siya nitong paikutin sa palad niya, naawa pa man siya sa sinabi nitong may cancer ang babae tapos malalamang buntis pala ito kaya hindi maiwan ang asawa. Wala siyang salitang binitawan dahil sa sobrang galit na umahon sa dibdib ayaw niyang basta na lamang siya sumabog. Magaman hindi nagsalita ay pinamalas niya naman ang isang nakakamatay na titig dito saka muling inihakbang ang mga paa papalayo sa asawa at sa babae nito at papalayo sa mga taong nakikiusyoso sa kanila. Palabas na siya nang marinig ang tinig ni Natalie na nahabol na sa kaniya. "Sam, wait!" tawag nito. Bahagya man siyang natigilan pero hindi siya lumingon dahil ayaw niyang makita ni C