Chapter 87: Taking Things Slowly

1910 Words

Kinabukasan ay maagang dumalaw si Calix sa asawa. Nadatnan doon ang Papa Samuel niya, noong una ay nag-alangan siyang pumasok dahil mula nang may mangyaring hindi mabuti sa asawa ay hindi na sila ganoon kaayos. Ramdam niyang pinapakiramdaman siya nito. "Papa," tawag niya rito bilang pagbibigay respeto rito. Nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya pero hindi na tulad noon. Kung noon ay mas ramdam niya ang pagpapahalaga nito bilang anak sa kaniya, ngayon ay kita ang panlalamig nito sa mga tingin pa lamang. Binawi ang tingin mula rito dahil hindi mapaglabanan ang mga titig nito at lumapit sa kinahihigaan ng asawa. Yumukod siya sa may ulunan nito sabay halik sa noo nito. "Good morning, babe," usal niya sabay haplos sa buhok nito. "Anong plano mo?" dinig na tanong ng Papa Samuel niya na nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD