Papalabas na sana si Calix sa silid ng asawa upang tumawag ng doktor nang mapagbuksan ang magulang nito. "Anong nangyayari?" mabilis na tanong ng mga ito sa kaniya na kita sa mga mukha ng mga ito ang takot, pangamba at paghihinala. "Tatawag ako ng doktor, Papa, si Samantha kasi—" aniya sabay lingon sa kinahihigaan ng asawa at doon ay kita ang nakapikit nitong mga mata pero buhos ang luha buhat doon. Mabilis na dumulog ang mag-asawa sa anak nila habang siya ay naiwang natitigilan sa may pintuhan. "Anak, oh my God! Anak, may masakit ba sa'yo?" ang iyak ng Mama Clarita nila habang tinatanong ang asawang nakapikit pa rin. "Tumawag ka ng doktor, Samuel!" utos nito sa esposo at doon ay napakilos si Calix. "Ako na Papa," mabilis na turan saka lumbas. Hindi na niya nagawang hintayin pa ang t