Tila batang natangis si Calix habang papalayo sa kinaroroonan ng asawang nag-aagaw buhay. Nahahati ang puso kung susundin ba ang ama sa nais nitong gawin niya. Ngunit nang muling tumunog ang cellphone ay nagitla siya. Miscall iyon na may makalakip na sumunod na mensahe. Wala siyang nagawa kundi tunguhin ang ospital kung nasaan si Michelle. Mukhang mangyayari na nga ang bagay na kinatatakutan niya. Michelle brain tumor has already affected the supply of air going through her brain. Dahilan kung bakit ito palagiang naba-black out o nawawalan ng malay. Pagdating sa ospital ay nakita roon ang yaya nitong nakahawak ng rosary, ang pinsan nito na panay ang dasal at ang driver ng mga ito. "How is she?" sambit sa mga ito. Ang pinsan nitong si Melissa ang nagtaas ng mukha. "She's not okay?" an