Chapter 84: Chain Fate

1926 Words

Pagbalik ni Samantha sa kaniyang sasakyan ay pinagsusuntok niya ang manibela ng sasakyan dahil sa inis. Hanggang sa mapagod siya at doon ay sinapo na lamang ang mukha saka rin napayakap sa manibelang kanina ay pinagbabayo. Halos kalahating oras din yatang nakayukyok doon bago tuluyang nahamig ang sarili. Hindi lang mga mata niya ang lumuluha kundi maging ang kaniyang puso. Siguro nga ay panahon na para tuluyang limutin ito at ibaon na lamang ang puso. Tutal ay masaya na siyang may Caleb sa buhay niya. Nang mahimasmasan ay pinausad na niya ang kaniyang sasakyan. Puno ang utak ng mga alalahanin tungkol sa kanila ni Calix. There is still something in her heart but she needs to let go. "Hanggang sa huli ay makasarili ka, Calix!" usal niya na hindi mapigilang maiyak. Mahal na mahal niya ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD