Mabilis na nilampasan ni Samantha ang asawa dahil naaasiwa na siya sa klase ng tingin nito. Marahil ay iniisip nitong napatawad na niya ito sa ginawang panloloko. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay agad siya nitong tinawag. "Sam?!" Napahinto siya ngunit hindi lumingon. Hinihintay ang susunod nitong sasabihin nang maramdaman ang paglapit nito sa kaniya. Napapikit siya dahil hindi pa talaga alam kung papaani ito pakikiharapan. "What is it?!" gagad na turan bago pa ito tuluyang makalapit sa kaniya. Napatigil naman si Calix sa paglapit sa asawa nang marinig ang tinig nito. Bakas kasing naiinis pa rin ito. "I'm sorry," sambit dito. Napabuntong-hininga na lamang si Samantha. Ayaw na niyang marinig ang mga salitang iyon. "Is that what you want to say?" halos patuyang turan. "No, gu