YANNA NAGISING ako na wala sa tabi ko si Uncle Jaxx. Pasado alas otso pa lang naman ng gabi kaya inisip ko na baka lumabas at kumain. I'm sure na nagutom siya. Kumakalam mga rin ang sikmura ko. Sabagay, sino ba naman kasi ang hindi magugutom sa ginawa namin? S*x na parang wala ng bukas. Gusto ko sanang bumangon at lumabas. Gusto ko ring kumain. Pero bigat na bigat ako sa katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa matinding pagod kaya kahit ang pagbaba dito sa kama ay hindi ko magawa. Magpapakuha na lang ako ng pagkain kay Uncle Jaxx mamaya... Wala akong ideya kung gaano ako katagal nanatili pa rito sa kama habang hinihintay ang pagbabalik ng asawa. At hindi ko alam na nakatulog pala uli ako. Nagising na lang ako nang maulinigan ko ang boses ni Uncle Jaxx. Pagdilat ko ay nakita ko s