UNCLE PARA akong mababaliw habang sinusuyod ko ang kalsadang dinadaan ko. Bawat lugar na puwedeng puntahan ni Yanna, mula sa loob hanggang sa labas ng Hacienda Aragon ay pinuntahan ko. Bawat sakayan at babaan ng bus ay pinuntahan ko rin. Nanggaling na rin ako sa dalawang terminal at nagtanong-tanong sa mga tao roon ngunit walang nakakita sa asawa ko. Naniwala naman ako sa kanila dahil kilala nila ako at walang maglalakas ng loob na magsinungaling sa akin. Hindi ko talaga nakita si Yanna sa loob ng Hacienda Aragon at mga kalapit bayan. Tinawagan ko na rin sina Janeth at Manang Emeng para tanungin kung sa Rancho Leonora ang asawa ko pero wala rin daw. At mukhang wala rin naman daw kinalaman ang Lola Salud nito dahil ilang araw ng nasa ibang bansa at nagbabakasyon. Tinawagan ko na rin ang

