UNCLE JAXX NAKAUPO kami ni Yanna sa damuhan habang pinapanood ang paglubog ng araw. Katatapos lang naming maglibot sa hacienda na sakay na paboritong kabayo ko. Nasa likod niya ako habang yakap ko naman siya sa beywang at ang baba ko ay nasa balikat niya habang nakasandal naman siya sa dibdib ko. "I'm so happy, Yanna. Dahil may kasama na ako sa pag-aalaga nitong Hacienda Aragon," bulong ko sa likod ng kaniyang tainga at mas humigpit pa ang yakap ko sa kaniya. "And I know na hinding-hindi na ako mag-iisa pa uli dahil asawa na kita. Sa susunod, mga anak naman natin ang isasama nating mamasyal dito." Napalingon sa akin ang asawa ko. She smiled sweetly at me bago niya sinapo ang aking kanang pisngi. "Sobrang saya ko rin, Jaxx. Hindi na ako makapaghintay na magkasanak na tayo. Para may ka

