YANNA NAISIPAN kong dalawin sa kaniyang opisina si Uncle Jaxx dahil ilang araw na siyang abala sa kaniyang trabaho. Hindi na siya gaanong nakakakain nang maayos sa almusal kaya dinalhan ko siya ng merienda at pang-lunch. Tamang-tama naman na break time na ng kaniyang mga empleyado nang dumating ako kaya wala siyang kasama sa opisina niya. "Thank you, asawa ko. Sana hindi ka na nag-abala pa," malambing na wika niya pagkatapos naming kumain at sinaluhan ko siya. "Pero okay na rin na nag-abala ka kaya busog na busog ako ngayon at natikman ko na naman ang tinola ni Nanay Esme na may tanglad." Humaba ang nguso ko. "Hindi naman si Lola Esme ang nagluto niyan, eh. Ako kaya. Akala mo siguro hindi ko kayang magluto ng masasarap, 'no?" "I'm just kidding po. I know naman na ikaw ang nagluto ni

