YANNA “YOU ruined my life, Yanna. You ruined the most beautiful part of my life… So, you need to marry me in exchange for your Auntie Marge.” Naputol ang pagdaloy ng aking alaala nang marinig ko ang sinabing iyon ni Uncle Jaxx. Wala ng baril na nakatutok sa akin pero mas lumakas pa ang kabog ng aking dibdib sa huling sinabi niya. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. “G-gusto n’yong pakasalan ko kayo bilang kapalit ni Auntie Marge, Uncle?” naninigurong tanong ko kahit malinaw na sa akin ang katotohanang sumabog sa harapan ko. “Iyon ang kabayaran na hinihiling n’yo kapalit ng pagligtas n’yo po sa buhay ko?” “May problema ba? Akala ko ba handa kang magbayad sa kahit anong paraan?” Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. “Sabihin mo lang sa’kin kung ayaw mo, Yanna. N