YANNA NAGULAT ako nang makita ang cellphone sa tray ng pagkain na natatakpan ng mangkok. Cellphone ito ni Manang Ruffa. Kaya pala parang may kakaiba sa kaniya kanina nang ihatid niya sa akin ang pagkaing ito. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero may kasama siyang bantay kanina. Mayamaya ay may nag-text sa cellphone. Number ni Manang Emeng ang lumabas. Yanna, hanapin mo sa phone book ang # ni Sir Jaxx. Subukan mong humingi ng tulong. Baka sakaling matulungan ka niya. Bali-balita sa labas ang malaking pagbabago niya. Lalo na sa kalupitan niya sa mga tauhan niya. Pero subukan mo pa rin. Siya lang ang makakatulong sa'yo. sabi ng text sa akin ni Manang Emeng. Bilisan mo lang bago pa pumasok diyan ang lola mo. Itago mo nang mabuti ang cp. anang pangalawang text niya. Nagtataka a