YANNA TAPOS ko nang masahiin sa likod si Uncle Jaxx pero gising na gising pa rin siya. "Bakit, Yanna?" tanong niya nang mahuli niya ako na nakatingin sa kaniya habang nakahiga siya sa kama. Ako naman ay umupo lang sa gilid at nagbabalak nang magpaalam para matulog na kasi antok na antok na ako. Kahit problemado ako kung saan ako matutulog dahil nai-lock ni Manang Ruffa ang maid's quarter. "Totoo nga po na hindi kayo nakakatulog agad pagkatapos kayong i-massage. Hindi tulad nina lola at auntie na bagsak at tulog agad," sagot ko. "Sabi ko naman sa'yo, eh," nakangiting sagot niya. Gusto ko pa sanang kulitin si Uncle kung ano ba talaga ang tinutukoy niya na pampatulog. Pero humikab na ako. Feeling ko babagsak na ang mga mata ko at eksakto napatingin ako sa mahabang sofa na nasa sulok