YANNA “YANNA… Yanna…” Napakurap-kurap ako nang maramdaman ko ang malakas na pagtapik sa kanang pisngi ko kaya nagising ako sa malaswang paglalakbay ng aking diwa at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Uncle na nakadukwang at ilang dangkal lang ang layo sa mula mukha ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. Hindi ko napigilang mag-blush nang maalala ko kung paano ko pinantasya ang mga labi ng fiancé ni Auntie Marge. Nakakahiya! “Thanks, God, you’re okay!” natutuwang bulalas ni Uncle Jaxx, sabay yakap nang mahigpit sa akin. Nanigas yata ang katawan ko nang maramdaman ko ang mainit na yakap niya sa akin. Nakaramdam na naman ako ng hindi maipaliwanag na kiliti sa kaibuturan ko ngunit alam ko na hindi ito tama. Kaya mabilis kong itinulak si Uncle Jaxx at

