CHAPTER SEVENTY

2041 Words

YANNA “PUMUNTA ka raw sa bar?” Napahinto ako sa aktong pag-akyat sa hagdan nang marinig ko ang boses na iyon ni Mateo. Sandaling hinamig ko muna ang aking sarili para hindi niya malamang umiyak ako, bago ako humarap sa kapatid ko. Hindi ko alam. Pero ayokong malaman niyang nandito sa Mexico si Uncle Jaxx at nakita ko ito. “M-Mateo, nandiyan ka pala. Akala ko umalis ka na papuntang Guatemala,” sa halip ay sagot ko. “Nagkaroon ng emergency ang ka-transaction ko kaya hindi natuloy. Next week na lang daw.” Nang itakas ako ni Orion nang gabing iyon sa Aragon’s Mansion ay agad niya akong dinala kay Mateo. Nang gabi ring iyon ay nagpa-DNA test kaming dalawa at kinabukasan lang ay nalaman agad namin ang resulta. Totoo nga magkapatid kami dahil iisa ang dugong nananalaytay sa aming kaugatan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD