YANNA "ANO? Uuwi ka sa Rancho Leonora?" Nasapo ni Lola Esme ang kaniyang dibdib nang magpaalam ako sa kaniya kinabukasan. Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako uuwi sa rancho. Ngayon kami nakatakdang magkita ni JR Salvacion pagkatapos kong ipadala sa kaniya kahapon ang kalahati ng halaga na hinihingi niya sa akin. Pero hindi ko puwedeng sabihin ang totoo kay Lola Esme. Siguradong hindi niya ako papayagan. At mag-aalala lang siya. "Opo, Lola. Sayang naman po kasi kung hindi ko makuha ang mga gamit ko roon," palusot ko uli. "Lalo na ho iyong ATM at cellphone ko. Hindi ko naman po maasikaso sa bangko dahil nando'n din ang mahahalagang documents ko. Hindi ko ho kayo mababayaran sa inutang ko na fifteen thousand kahapon kung hindi ko iyon makukuha," mahabang paliwanag ko. "Hindi naman