YANNA “SIGE po, Auntie. Kailan po ang balik n’yo?” tanong ko nang tawagan ako ni Auntie Marge para ipaalam sa akin na nauna na raw silang umuwi ni Lola Salud dahil nagkaroon ng emergency sa rancho. Maraming kabayo ang nagkasakit at namatay daw. Mainit daw ang ulo ng lola ko dahil sa nangyari kaya mas mabuting dito na muna ako sa Hacienda Aragon para hindi ako mapagbuntunan. Si Uncle Jaxx daw ang nagsabi kay lola na maiwan muna ako kaya pumayag ito. “Isasabay ka na lang ni Jaxx sa makalawa. Susunduin niya ako dito sa bahay at kakausapin namin ang wedding organizer,” sagot niya mula sa kabilang linya. “Sige po, Auntie,” magalang na sagot ko. Dahil marami pang kailangang ayusin si Auntie Marge kaya pinatay na niya agad ang tawag. Hindi ko alam pero lihim akong natuwa na mag-i-stay pa pa

