NAPASARAP ang kuwentuhan ng mag-asawa habang kumakain sa yate. Hindi namamalayan ni Alina na naparami ang kain niya. First time kasing nag-share si Elias ng childhood memories nito. Napag-usapan din nila ang tungkol sa identity disorder nito. “I’m unaware of it before. Napansin lang ng mommy ko na minsan hindi ko maalala ang ibang ginawa ko,” ani Elias. “Alam na pala noon pa ng mommy mo ang kondisyon mo?” untag niya. “Yes, but she doesn’t have an idea what my condition is. Nahirapan din ang doktor noon na tukuyin ang problema ko. Si Mommy na mismo ang nagbibigay ng special treatment sa akin at pinaiiwas ako sa ibang bata kasi nasasaktan ko. Iginiit ng ibang kamag-anak namin na may sumasapi raw na demonyo sa akin. Gusto pa nila akong dalhin sa paranormal expert.” Bahagyang natawa si Elia