NAPAAGA ang dating ni Elias sa opisina ni Alina kung kailan gumuguhit siya ng bagong design na damit. Pinapasok na ito ng secretary kaya nagulat siya. “Am I too early?” tanong nito nang makapasok sa kan’yang workplace. “Medyo. Quarter to four pa lang. May tatapusin lang akong design,” aniya. Tuluyang lumapit ang binata at sinilip ang ginuguhit niya sa sketch paper. Pumuwesto pa ito sa gawing likuran niya kaya wari inaapuyan ang kan’yang katawan. Hindi siya makapag-focus sa ginagawa. Una’y tahimik lang ito, mayamaya ay kumilos na ang mga kamay at nilalaro ang kan’yang buhok. “You’re talented, Alina. You don’t have an idea how much I admire you,” paanas nitong wika. Bumagal ang kilos ng kaniyang kamay at pinakiramdaman ang ginagawa ni Elias sa kan’yang buhok. “Alam mo ba ang talent k