Chapter 52

1965 Words

“I NEED to go. Sa bahay na tayo magkita,” sabi ni Elias. Inilapag lang nito sa sahig ang kaniyang bag at nagmamadaling lumisan. Hinabol pa niya ng tingin ang asawa ngunit walang nasabi. Nawiwindang pa rin siya sa pangyayari. “Mabuti dumating ka na, Alina. Kauuwi lang din ni Ara,” sabi ng kaniyang ina. Pansin niya na balisa rin ang mommy niya, tila may iniindang tensiyon sa puso. Lumapit siya sa mga ito at walang imik na niyakap si Ara. Ramdam niya ang ilag nito sa kan’ya, tila natatakot. “A-Ate Alina,” gumaralgal ang tinig na sambit nito. Bahagay siyang dumestansiya rito at pinakatitigan sa mukha ang kapatid. Hawak niya ang mga kamay nitong nanlalamig. “Kumusta ka na?” mahinahon niyang tanong. Nanginginig ang mga labi ni Ara at lumalam ang mga mata nito dahil sa namumuong luha. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD