PAGKATAPOS ng binyag ng anak nila Alina ay namasyal silang mag-anak sa ibang magagandang lugar sa bansa. Kasa-kasama naman ang mommy niya na ini-enjoy ang buhay malaya. Wala na sa isip nito mag-asawa ulit. Ilang araw silang bumibiyahe bago bumalik sa trabaho. Kasama niya sa opisina ang kaniyang anak dahil ayaw nitong magpaiwan sa babysitter. Kasama rin naman ang yaya nito na nagbabantay. Naglalakad na si Allen at sobrang likot kaya hindi puwedeng walang bantay. Napahilot siya sa sintido nang maabutan sa opisina ang nagkalat na laruan ng bata. Saglit lang siyang umalis at binisita ang bagong gawang damit. “Nako, anak! Dapat ang daddy mo ang kasama mo kasi matiyaga ‘yong makipaglaro sa ‘yo. Naging playground na itong office ko,” maktol niya habang nakatayo sa harap ni Allen. Nakasalampak
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books