Chapter 4

2203 Words
TINAPON ni Vladimir sa basurahan sa labas ng ospital ang resetang binigay ni Annie. Wala naman siyang sakit, atat lang siyang makita ang dalaga at subukang usigin. But he ended up disgusted with himself after Annie refused him again. He’s tired of protecting her from a distance. Bumalik siya sa bahay ni Wallace kahit katatapos lang ng away nito at ni Angelica. Ilang linggo pa lang kasal ang mga ito pero mukhang maghihiwalay na. “Bwisit ka, Vald, bakit umalis ka na hindi nag-lock ng bahay?” bungad sa kaniya ni Wallace. “Nag-lock ako ng pinto, hindi ng buong bahay,” pilosopong tugon niya. “I mean, ng pinto.” “Nag-lock ako,” giit niya. “Hindi! Nakaawang pa nga. May nakapasok tuloy na pusang gala at kinain ang ulam ko!” Nilagpasan niya si Wallace at tumuloy na siya sa loob ng bahay. Wala pa siyang makitang magandang property na bibilhin kaya doon na muna siya naglagi sa bahay ni Wallace. Sinundan naman siya nito sa kusina. “Ano’ng sabi mo kanina, pupuntahan mo si Annie? Iyong kaibigan ni Ingrid?” mamaya ay untag nito. Kinuha niya ang garapon ng kape sa ref at nagtimpla. “Oo, nagpa-check-up ako kung matino pa ba ang utak ko,” tugon niya. “G*go! Akala ko ba hindi mo lalapitan ang babaeng ‘yon? Naalala ko, siya ba ‘yong girlfriend ng kapatid mo noon na ka’mo nabuntis mo?” “Oo.” “Ah, ‘yong sabi mo na malaking misyon na iniwan ni Harry?” Nanririndi na siya sa mga tanong ni Wallace. Nang malagyan ng mainit na tubig ang kaniyang kape, nilagyan niya naman ng isang ice cube para maibsan ang init. “I’m not done yet. Annie was unaware of how many as*holes wanted to claim her. Her brother was a psychopath,” he eagerly said. Hinila niya ang silya sa tapat ng lamesa at doon naupo. Nang makahigop ng kape ay kumalma rin ang kaniyang sistema. Tinabihan naman siya ni Wallace. “Ang gulo, akala ko ba napatay mo na ang dating boss ni Jake na gustong kunin si Annie?” anito. “Maraming naging boss si Jake, at lahat inutangan niya at nakipag-deal. Iyong isang boss niya na matandang hukluban na atat maikama si Annie, ang yabang, kasing liit naman ng ari ng aso ang ano. Ayon, nilason ng assasin ko,” gigil niyang palatak. Napabunghalit ng tawa si Wallace. “Buwisit ka talaga. Eh, wala ka na palang karebal kay Annie, ano?” “Anong wala? Iyong nagpasagasa kay Harry, buhay pa.” Kumulo na naman ang dugo niya nang maalala ang impormasyong natanggap mula sa kaniyang agent. Last month, his agent sent him the details about the Sicilian mafia lord, Rojillo Accetta. Ito ang huling nautangan ni Jake ng isang bilyon pambayad sa utang nito sa isang mafia boss na miyembro ng kalaban nilang grupo, ang Cosa El Hombre. Ang diskarte ni Jake, uutang sa iba para ibayad din sa unang napag-utangan. “Meaning, bayad na si Jake sa inutangang miyembro ng Cosa El Hombre. So, anong grupo naman ng mga mafia ang inutangan niya?” usisa ni Wallace. “Iyong si Rojillo, dating miyembro ng Cosa El Hombre. Doon umutang si Jake noong una bago doon sa matandang hukab.” “Ah, iyon na ang nagpasagasa kay Harry?” “No, hindi siya ang nag-utos.” “Akala ko ba siya ‘yong gusto si Annie kaya galit kay Harry?” “Hindi ang tatay, kundi ang anak.” Nagdaiti na naman ang kaniyang bagang sa gigil. “Sa anak ba umutang si Jake?” “Sa tatay, pero ang anak ang humiling na si Annie ang collateral once hindi nakabayad si Jake within one year. Noong nakipag-deal si Jake kay Rojillo, boyfriend na ni Annie si Harry. Pero naireto siya ni Jake doon sa anak ni Rojillo noon pa, kaso ayaw ni Annie,” kuwento niya, base sa impormasyong pinadala ng kaniyang agent. “So, kilala ni Annie iyong anak ni Rojillo?” “No. Ang akala ni Annie, si Rojillo ang tinutukoy ni Jake.” “Well, it’s a big mystery. Sino naman ‘yong anak?” “He’s not active in his father’s mafia organization. Ayon sa source ko, miyembro siya ng malaking mafia organization sa mundo.” Wallace sniffed. Napaisip din siya nang malalim since they've already encountered some members of those giant mafia organizations. “What if, he’s a member of Cosa El Gamma?” ani Wallace. Matiim siyang tumitig dito. Naisip din niya ang sinabi nito. The Cosa El Gamma was the most powerful mafia organization in the world, with branches in different countries, meron din sa Pilipinas. Pero kilala niya lahat ng miyembro ng Cosa El Gamma sa Pilipinas, maliban na lang kung may bagong pasok. “That’s possible,” he said. “Tsk! It’s time for you to give up on Annie, Vlad. Mauubos ang depensa mo kung miyembro nga ng CEG ang anak ni Rojillo.” He does not agree with Wallace. He’s aware that no other mafia organization can defeat the CEG. Dahil sa lakas ng connections ng mga ito at impluwensya, kinatatakutan ito ng ibang grupo. Lahat ng sumusubok banggain ang CEG, hindi nagtatagal sa mafia world. Pero hindi siya natatakot dahil alam niyang kaya niyang makipagsabayan pagdating sa lakas ng angkan. “I’m not afraid,” aniya. “Vlad, grounded na ang BHO sa underground market. Wala na tayong makakapitan doon kaya nga nag-full-out ng stock si Yoshin. Hindi rin kita matutulungan kasi dehado na ako. Nasa wanted list na ng asawa ko ang BHO. Soon, makukulong na ako kung walang matinong solusyon.” Naawa siya kay Wallace kasi nasi-sense na niya ang kapalaran nito. He was still doing his best to help his friend, but only protection and financial are his weapons. Gusto niyang mai-save ang ibang strategy niya sa pagkamit ng hustisya para sa kaniyang kapatid. “Malakas lang sa network ang CEG, pero mahina sila sa tactics when it comes to a genius enemies. Aware ang CEG member na kahit maliit na grupo ang BHO, kaya nating makipagsabayan sa katulad nila pagdating sa diskarte. Kayo lang naman ni Dwayne ang mahina sa BHO, eh,” aniya. Binato siya ng mahayap na titig ni Wallace. “I admit, but look, we’re in danger, Vlad. Kung kakalabanin mo pa ang isang member ng CEG, tapos na tayong lahat.” “May pinsan si Yoshin sa CEG member dito sa Pilipinas, si Dimitri, ang may-ari ng black tiger mascara.” “Kahit na. Pero sure kaya na member ng CEG iyong anak ni Rojillo?” “Sabi ng agent ko, kahit si Jake ay hindi nakita ang mukha ng anak ni Rogillo, kasi may suot na maskara.” “Sh*t! Miyembro nga siya ng CEG. They are using mascara of animals as their signature code names!” “Yes, but not all members are using the mascara. Ang magpinsang sina Federico at leader ng branch dito na si Stefano, hindi sila nagsususot ng maskara kahit sa labas. Si Craig din, kasi artist siya at famous.” “Kung sa bagay. Pero sabi ni Yoshin, iyong nagsusuot ng maskara, mga delikadong miyembro. Ang alam ko may kakambal si Federico, eh, iyon ata ang nagsusuot ng maskara.” Isa-isa niyang sinusuri sa kaniyang isip ang identity ng kilala niyang miyembro ng CEG. Wala siyang na-encounter na miyembro na kaapelyido ni Rojillo. Naglabas siya ng cellphone at nagpadala ng bagong utos sa kaniyang agent. May bago rin itong update tungkol kay Jake Villareal. Ayon sa agent, opisyal na miyembro si Jake ng Cosa El Hombre. So, Jake has a backup once he’s in danger. Puwede rin itong humingi ng tulong sa ka-member nito para ipapatay siya. Pero malas nito, na-trap na nila ang leader ng CEH. Nasa wanted list na ito ng batas. Once nahuli ang leader, mawawasak na ang grupo, makukulong din si Jake. Ang problema niya, kikilos naman ang grupo ni Rojillo at hindi ‘yon papayag na walang makuhang pera mula kay Jake. Hahabulin ng mga ito lahat ng property at business ni Jake, at kukunin si Annie. “F*ck!” he cursed. Napahigop siya ng maraming kape. Kailangan niyang palitan ang nagbabantay kay Annie para walang makalapit ditong tauhan ni Rojillo. Aalburuto rin ang anak nito kaya dapat ma-secure niya si Annie. “Mahuhuli na ang leader ng CEH, Vlad, kumilos ka na at tawagan si Yoshin at Chase. Apektado ang ibang koneksyon natin once nahatak ng CEH ang BHO,” nababahalang wika ni Wallace. Inubos niya ang kaniyang kape at hinugasan sa lababo ang tasa. Dumating na rin si Alejandro kaya ito naman ang kinausap niya. He need Alejandro’s skilled snipers to secure Annie’s surrounding. ALAS-DIYES na ng gabi nakaalis ng clinic si Annie dahil sa dami ng pasyente. Isa lang iyong private clinic sa Makati na pinagsisilbihan niya. Mas gusto niya roon kasi after duty ay nakukuha niya ang share sa kita. Minsan ay umaabot ng fourty thousand ang kita niya sa apat na oras. Sa ospital kasi ay naiipon kaya matagal. Nag-abang siya ng jeep sa labas. May trauma na siyang sumakay ng taxi simula noong naramdaman niya na tila may masamang balak ang driver sa kaniya. Kaya mas gusto niya sa jeep, at least maraming tao. Pero habang naghihintay, may pakiramdam siya na tila may nakatingin sa kaniya. Palinga-linga siya sa paligid. Marami pang tao roon, may mga tambay. Dapat may kotse na siya kung tinanggap niya ang offer ng kuya niyang sasakyan. Tumanggi siya dahil alam niya’ng dagdag pa ‘yon sa isusumbat sa kaniya ni Jake. Once nakuha niya ang isang milyong pautang ni Ingrid, babayaran din niya ang ibang nagastos sa kaniya ni Jake para wala itong masabi. Once bayad na siya sa lahat na utang, magpapaalam na siya sa kaniyang kapatid. Nang may humintong jeep ay kaagad siyang sumakay. Marami pa ring pasahero kaya kampante siya. Pagdating naman ng bahay ay sinalubong siya ng pagwawala ni Jake. Lasing na naman ito. Pinagmumura nito ang pangalan ni Dwayne at Ingrid. Halos maubos na ang gamit nila sa sala kakahambalos nito. “Kuya, tama na!” pasigaw niyang pigil dito. “Ano? Makipagkaibigan ka pa kay Ingrid! Pinagkakaisahan nila ako!” asik nito. “Akala ko ba okay na ang usapan ninyo sa negosyo?” “Anong okay? Pinababayaran na sa akin ng daddy ni Ingrid ang utang, nanghihingi ng resibo! Itong Dwayne, nakialam at malamang sinusulsulan ang daddy ni Ingrid! Nunkang magpapauto ako sa kanila. Maghintay sila kung kailan ako magbabayad!” “Kuya, magpakumbaba ka naman. Ikaw na nga itong may atraso, eh.” Pilit niya itong pinapakiusapan pero bingi na. “May atraso ako, oo, pero si Ingrid, walang isang salita! Okay na, eh, settled na ang kasal namin. Biglang nagbago ang isip niya dahil kay Dwayne! Mga bwisit sila! Hindi ako papayag na magtagumpay sila!” Nataranta na siya at hindi malaman ang gagawin. Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Jake, at baka guluhin nito ang pamilya ni Ingrid. Kahit anong paliwanag niya rito ay ayaw makinig. May dumating pang demonyita, ang ex ni Jake na si Inna. Ayaw na niyang makisawsaw sa usapan ng mga ito dahil lalo lamang siyang inaatake ng nerbiyos. Tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto. Kinabukasan ay nakipagkita si Annie kay Ingrid upang kunin ang perang pautang nito. Siya na ang tumawag kay Mr. Tan at inalam kung paano niya maipadala rito ang balanse ng kaniyang utang. Hindi na siya aasa kay Jake. May nai-suggest na bahay si Ingrid sa executive village sa Makati kaso mahal. Ang kinausap niya ay ang may-ari ng rent to own na bahay kaso hindi pa close ang price. Wala na siyang choice kundi ipa-reserve ito kahit magulo pa ang isip ng ma-ari. Half-day lang siya sa ospital pero tumuloy pa rin sa private clinic dahil may schedule siya roon. Inabot na naman siya ng gabi at nag-alangan siyang umuwi. Naisip niya na mag-check in na muna sa hotel. Paglabas ng clinic ay naglakad siya upang maghanap ng malapit na hotel. Mayamaya ay may napansin siyang itim na kotse na obvious na nakasunod sa kaniya. Huminto siya at sinalakay ng kaba nang biglang huminto rin ang kotse sa kaniyang tapat. Tatakbo na sana siya pero bumusina ang kotse. Napatingin siya sa bintana sa driver side. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita si Vladimir, na siyang driver pala ng kotse. “Don’t worry, I won’t kidnap you,” he said. “Eh, bakit mo ako sinusundan?” may nerbiyos pa ring tanong niya. “Magpapa-check-up sana ako kaso ayaw na akong papasukin ng staff ng clinic.” “Nagawa mo na ba ‘yong test na sinabi ko?” “No. Nawala kasi ang sakit ng tiyan ko, pero parang umakyat sa dibdib.” Nangunot ang kaniyang noo. Pinagluluko lang ata siya ni Vladimir. “Heartburn ‘yan,” aniya. “Check mo muna. Get in my car. Ihatid kita kung saan ka pupunta, kahit sa impiyerno pa, sasamahan kita.” Naglaho ang kaba niya dahil sa sinabi ni Vladimir. But still, she needs to avoid this man, lalo na’t nawawala na naman sa katinuan ang kuya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD