HINIRAM ni Vladimir ang kotse ni Annie dahil ginamit ni Alejandro ang kaniyang kotse. Tumuloy na rin siya sa condo ni Wallace kung nasaan si Yoshin. Nakauwi na umano ang mga ito mula sa birthday party ng anak ni Dwayne. He didn’t expect to see the mafia bosses of the BHO again. Bihira kasi sila makumpleto. Nakasabay niya si Alejandro na dumating sa parking lot ng condo. Hinintay niya itong makababa ng kotse. “Saan ka pa nanggaling?” tanong niya rito. “Hinatid ko sa bahay nila ang parents ni Ingrid dahil nasiraan ang kotse nila,” tugon nito. Sabay na sila ni Alejandro na lumulan sa elevator. Pagdating nila sa condo ay naroon din sina Wallace at Chase. Nagtipon ang mga ito sa lobby. “Is there a meeting?” tanong niya. Binato siya ng mahayap na titig ni Wallace at inambahan ng suntok.

