Chapter 22

1588 Words

TUMANGGAP pa ng dalawang pasyente si Annie pagsapit ng alas-dose ng tanghali. Nakaidlip si Vladimir pero nang magising ay hindi mapakali. Nagreklamo na ang bodyguard niya na nagugutom. Pina-close na rin niya ang kaniyang linya upang wala nang dadagdag na pasyente. “Tara na sa labas,” paanyaya niya sa binata. “Finally! Malapit na magka-ulcer ang mga bulate ko sa tiyan,” usal nito. Nag-unat pa ito ng mga braso. Mabilis naman itong bumangon at sumunod sa kaniya. Ayaw ni Vladimir ng pagkain sa canteen kaya lumabas pa sila. May malapit namang restaurant sa ospital at doon na sila pumasok. Kaagad pumuwesto sa lamesa si Vladimir at nag-order ng pagkain. “May medical mission kami sa weekend, Vlad. Sasama ka pa rin ba?” sabi niya. Kumakain na rin sila. “Oo naman.” “Pero baka may service kami.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD