PINAUNA ni Annie si Vladimir na lumabas at may mahalaga siyang sasabihin kay Jake bago ito bumalik sa kulungan. “Kuya, hihingi ako ng suporta sa ‘yo,” sabi niya. Tumayo na si Jake. “Ano pa ang aasahan mo sa akin, Annie? Wala na akong silbi at hindi kita maprotektahan,” anito. “Kaya nga suportahan mo na lang ang desisyon ko.” “Ano namang desisyon?” “Magpapakasal ako kay Vladimir,” walang gatol niyang wika. “Ano?” Muling napaupo sa tapat niya si Jake, hindi maipinta ang mukha. “Nababaliw ka ba? Hindi ka pa sigurado kung mabuti ang hangarin ni Vladimir. Ngayon alam mo na isa rin siyang mafia, magduda ka na, Annie.” “Kilala ko na si Vladimir. I love him. Naniniwala ako na hindi niya ako hahayaang mapahamak.” “Pero magtaka ka na, Annie. Maraming alam si Vladimir tungkol kay Big Boss, la

