NAKALUTO na ng hapunan si Vladimir kaya wala nang gagawin si Annie. Kahit dismayado ay hindi naman niya matiis ang binata. Wala naman itong ginawang masama sa kaniya, sa halip ay naging tulay pa ito upang maungkat niya ang sikreto ng kaniyang pamilya. “Let’s eat, Ann, habang mainit pa ang food. Hindi na ‘to masarap kung malamig,” nakangiting paanyaya ni Vladimir. Naghain na ito ng pagkain sa hapag at pinaghila pa siya ng silya. “Thank you,” aniya. Umupo na siya nang maalala si Alejandro. “Nasaan si Ale? Baka gutom na ‘yon. Umalis ba siya?” tanong niya. “Nasa bahay siya, doon na siya kakain. Naghatid na ako ng ulam niya kanina,” turan naman ng binata. Umupo na rin ito sa tapat niya. Inasikaso pa ni Vladimir ang kaniyang pagkain at pinili ang malamang parte ng manok at sinamahan ng pata

