NAPAHIGPIT ang hawak ni Vladimir sa kaniyang cellphone matapos mabasa ang mensahe ni Alejandro. Sariwa pa ang update nito at sinabi na natuklasan ni Big Boss na nakikipag-ugnayan si Dr. Daniel sa kanila. Pero hindi natukoy ng mga ito na grupo nila ang dumakip noon kay Daniel. “Nahuli na ni Big Boss si Daniel,” saad niya. “Ano? Paanong nahuli?” balisang tanong ni Annie. “Nalaman ni Big Boss na tinutulungan tayo ni Daniel. Sadly, he was trapped now.” “Si Daniel na-trap? Saan?” “Sa kamay ni Big Boss. We can’t expect that Daniel will survive. Malamang ay papatayin siya ni Big Boss.” Napatda ang dalaga at bumakas sa mukha ang takot. Mabuti tapos na itong kumain. Inubos lang niya ang kaniyang pagkain at nagligpit ng kalat sa lamesa. Pagkuwan ay iniwan niya si Annie na nagsisimula na sa p

