NAKAHANDA naman si Vladimir sa plan B ni Alejandro. Once ma-trap sila, gagamitin na nito ang secret weapon, isang tunog na pinupunterya ang eardrum ng makaririnig nito. They both wore ear-pods that could cancel the noise to protect their eardrum. Si Rojillo lang ang nakapagtakip ng mga kamay sa tainga kaya hindi kaagad hinimatay. Pero ang mga tauhan nito na may hawak ng baril ay bumulagta sa sahig matapos marinig ang matinis na ingay mula sa device ni Alejandro na nasa relo nito. Hindi ito basta relo. Access device rin ito ng mga explosive device nito. “What is that noise?” iritableng tanong ni Rojillo. Nang mawala ang ingay ay akmang dadamputin ng ginoo ang baril nito na nasa mesita pero mabilis na nakuha ni Alejandro at inalisan ng bala. Saka lamang nilapitan ni Vladimir si Rojillo u

