MALIIT lang ang dining table ni Annie at anim lang ang magkasya. Mabuti kinuha ni Vladimir ang lamesa sa kusina at pinagdugtong sa dining. Malalaking tao pa naman ang bisita nito kaya kailangan ng malaking espasyo. Naghain pa rin ng kanin si Annie para sa kanila na rice is life. Nagustuhan ng mga bisita ang kaniyang lumpia. She waited for Vladimir to react to the spaghetti, but he was speechless. Pero pagkatapos ng hapunan ay pinuntahan ni Vladimir ang dalaga sa kusina. Nagulat siya nang bigla siya nitong lapitan at banayad na pinisil ang kaniyang baywang. “Your spaghetti was the best, same with the lumpia. I will marry you soon, sweetie,” he whispered in her ear. Annie is stunned and doesn’t know how to react to Vladimir’s compliment on her spaghetti. Tila may kung anong naghahabulan

