“WHAT happened to you, Vlad? Are you run out of clothes?” tanong ni Chase kay Vladimir. Sinuyod siya nito ng tingin. “Kanina pa ‘yan. Ayaw niya magpalit ng damit,” sabad naman ni Dwayne na karga pa rin ang anak na sinakluban ng jacket sa ulo. Madilim na kasi at walang bubong sa puwesto nila kung saan siya nag-iihaw ng isda. “Damit mo pa ata ‘yan noong elementary ka,” ani Chase. Napabunghalit na naman ng tawa si Dwayne. Tinadyakan ito ni Vladimir sa binti pero nakaatras din kaagad. “Tawa ka nang tawa, Dwayne. Mamaya kung kailan kumakain tayo saka ka babanat ng utot dahil puro hangin na ang sikmura mo,” buwelta niya. Ipinatong na niya sa grill ang na-marinate na laman ng pink salmon. Gagawin na niya itong fishsteak. Si Alejandro ang nagpapaypay sa ilalim ng grill at walang pakialam kah

