Chapter 29

2054 Words

PAGSAPIT ng alas-singko ng hapon ay dumating sa bahay ni Annie sina Ingrid at Dwayne, kasama ang dalawang anak. “Ang aga n’yo, ah. Magluluto pa lang ako,” sabi ni Annie. Sinalubong na niya sa gate ang mga bisita. “Hello po, Ninang!” bati naman ni Slater. Kaagad itong nagmano sa kaniya. “Ito po ang house mo, Ninang?” pagkuwan ay tanong nito. “Yes, Slater.” Hinalikan naman niya sa pisngi ang bunso ni Ingrid na karga ni Dwayne. “Teka, bakit narito si Alejandro? Ano’ng ginagawa nila?” usisa ni Dwayne. Dumiretso na sila sa hardin at tiningnan ang ginagawa ng mga lalaki. “Gumagawa sila ng greenhouse,” tugon niya naman. “Tito Vlad! Tito Ale!” sabik namang tawag ni Slater sa mga tito. Isa-isa itong nagmano sa dalawang binata. “Nice to see you again, kid!” sabi ni Vladimir. Pawisan na ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD