ALA-UNA na ng madaling araw nakarating ng bahay sina Annie At Vladimir. Tinamad na umuwi ang binata at natulog sa sofa sa may lobby. Hindi na ito inabala ni Annie at dumiretso na rin sa kuwarto. Kinabukasan ay ginising si Annie ng ingay mula sa hardin. Bumangon siya at sumilip sa bintana. Namataan niya sina Alejandro at Vladimir na naghuhukay ng lupa sa espasyo na para sa greenhouse niya ng mga cactus. Napangiti siya nang matanto na itutuloy na ni Vladimir ang kaniyang greenhouse. Ang ganda ng kaniyang gising. Hindi pa rin siya papasok sa ospital at gustong makapagpahinga at maayos ang kaniyang mga halaman. Naligo muna siya bago lumabas ng kuwarto. Halos wala na siyang gagawin dahil naayos na ni Vladimir ang mga bahage nila mula Benguet. Lumabas siya ng bahay at pinuntahan ang abalang d

